Tungkol sa BitTorrent
Nakabase sa San Francisco, ang BitTorrent ay ang kompanyang nasa likod ng pinakamalaking naka-decentralize na P2P protocol ng mga komunikasyon para sa pamamahagi ng data at malalaking file sa Internet. Ang protocol ay responsable sa paglilipat ng malaking porsiyento ng traffic sa Internet ng mundo bawat araw.
Kasalukuyang gumagawa ng mga produkto ang kompanya sa dalawang brand, BitTorrent (https://www.bittorrent.com) at µTorrent (https://www.utorrent.com), na naghahandog ng mga kilalang torrent download client para sa Windows, Mac at Android. May mahigit sa 100 milyong aktibong user bawat buwan, naghahandog ang BitTorrent ng mayaman sa feature at ligtas na mga torrent program para sa desktop, torrent streaming gamit ang browser, at produkto sa pagda-download, at isang mobile torrent downloader para sa Android na available sa Google Play Store.